Ang daming laman ng isip ko
Ang daming laman ng puso ko
Sa dami nito lalong bumibigat
Lalong nahihirapan, lalong nasasaktan
Ang dami kong hinanakit
Na kahit sinabi ko nang
pinatawad ko na sila,
Pilit paring naaalala
Sinisisi ko ang ibang tao
Galit ako at masama ang loob
Insecure ako sa sarili ko
At di ko tanggap kung ano meron ako
Ang sakit magpanggap na masaya
Magsinungaling sa kung ano ang totoo
At magpakatanga
Marami akong hindi tanggap
na nangyari sa akin
Ngunit anong magagawa ko?
Tapos na ang mga ito
Masaya na rin naman ako
Sa buhay ko ngayon
Pero laging dumadating yung panahon
na naiisip mo na sana ganito at ganoon
Gusto ko nang lumaya
Gusto ko ng kumawala
Ang pagbalik kaya ang magiging solusyon
O ang pagkalimot ?
Ilalabas ko na,
Sasabihin ko na
Sa pamamagitan nito ako'y mapapayapa
Kailangan ko tanggapin upang sumulong
Kailangan ko maging matatag at mahinahon
Kailangan ko magpatawad at magbago
Sisimulan ko ito sa pagsabi ng totoo
at pagbaon sa maling kahapon ..
No comments:
Post a Comment